Composer: Paolo Benjamin G.Guico, Miguel Benjamin G. Guico
Lyrics
Pahirapan magtantiyahan
Kung 'di ka sigurado
Sa 'yong pag-atras ako ba'y kakalas
Sa mga nakasanayang ikot hmm
Aking labi'y nasasabik sa 'yo
Ngunit ika'y malabo
Bakit nga ba lagi na lang
Ako lang ang sigurado dito hmm
Pag-aalangan na lang ba
Pag-aalangan na lang ba ang kakapitan
Nag-iisa lang ba 'ko
Tanging kasayaw ang aking anino
Pag-aalangan na lang ba
Ba't laging nagpapakipot oh
Nag-iisa lang ba 'ko
Tanging kasayaw ang aking anino
Pahirapan magtantiyahan
Ngunit hindi susuko hangga't 'di pa natatapos
Ang tugtog ng pagtibok ng ating pagsusuyuan
Pag-aalangan na lang ba
Pag-aalangan na lang ba ang kakapitan
Nag-iisa lang ba 'ko
Tanging kasayaw ang aking anino
Pag-aalangan na lang ba
Ba't laging nagpapakipot oh
Nag-iisa lang ba 'ko
Tanging kasayaw ang aking anino
Higpit ng 'yong kamay
'Wag nang humiwalay
Hanggang magkasabay
Ang bawat indak ng ating anino
Higpit ng 'yong kamay (oh)
'Wag nang humiwalay (oh)
Hanggang magkasabay
Ang bawat indak ng ating anino