Sandal ka muna sa’kin malayo pa ang byahe natin
Matulog ka na lang antukin hindi na kita guguluhin
Kung mapagod ka andito lang ako sumandal ka sa mga balikat ko
Isang biyaya ka sa mundong ito na iingatan ko ng buong puso ko
Wala na ‘kong hahanapin pa dahil sa byaheng ito ikaw ang kasama
Kahit ilang oras pa handa akong mag antay basta’t sa byaheng pang habambuhay
Sana’y ako pa rin ang ‘yong kasabay
Dantay ka muna sa’kin ilang oras pa ang byahe natin huminga ka muna ng malalim
Malayo nang ating narating pero ang layo pa ng lalakbayin hm
Wala na ‘kong hahanapin pa dahil sa byaheng ito ikaw ang kasama
Kahit ilang oras pa handa akong mag antay basta’t sa byaheng pang habambuhay
Sana’y ako pa rin
Ang iyong katabi sa hirap at ginhawa pero ba’t ‘di mo sinabi na may hinihintay ka lang pala
Naghihintay na baka bumalik pa siya mm
Wala na akong magagawa pa dahil sa byaheng ito iba nang ‘yong kasama
Pero salamat muli sa oras mong binigay ngunit sa byaheng panghabambuhay
‘Di na pala ako ang ‘yong kasabay