Lyrics
Ika'y matutumba ika'y masasawi
Mabibilangan ka ngunit babangon kang muli
Walang maniniwala walang makikinig
Wala na raw pag-asa'ng daigdig mong tagilid
Padadala ka ba sa agos o hindi
Patay na kung patay magkaalaman lang
Lahat ibibigay dahil wala na 'tong atrasan
Pagitingan ng puso ang labanan
Lumuha ka kung hindi mo mapigilan ang tuwa
Matagal kang naghintay kaibigan umawit ka
Paabutin mo sa langit ang tamis ng sandaling ibinigay
Tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay
Oh tagumpay
Tagumpay
Alab ng puso kailanma'y hindi sumuko
Tagumpay
Tagumpay
Oh
Oh
Sentric Music